Bago tayo mamili ng mga apps na gamitin, mahalagang ikintal muna natin sa ating isipan na parehong personal at kolaboratibong proseso ang pagpili ng tech tools sa pagtuturo. Dahil ang bawat guro ay magkaiba, may sariling istilo at kapasidad sa tech, mabuting may personal na pagsusuri sa mga gagamiting tech tools. Sa kabilang banda, isa rin itong kolaboratibong proseso, dahil kailangang pag-usapan rin ng inyong kagawaran, paaralan o ng institusyon ang pagpili ng mga gagamiting tech tools nang sa gayon ay maging uniporme ninyo itong gagamitin at magkaroon ng masusi na pagsusuri kung dapat nga ba itong gamitin. May kaakibat din na sapat na pagsasanay at training upang maging ganap na kapaki-pakinabang ito.
Maraming mga batayan na maaaring gamitin mula sa iba’t ibang mga guro at eksperto, tulad ng sa binanggit sa blog ng isang batikang Edtech Innovator na si Nik Peachey, mayroong 4 na batayan sa pagpili ng tech tool bago ito gamitin.
4 na Batayan ng Pagpili ng Tech Tool |
Teknikal: 1. Madali bang gamitin? 2. Gagana ba ito sa maraming platforms at devices? 3. Ligtas ba itong gamitin? 4. Ano ang work-around kung sakaling pumalya ito o may limitasyon? |
Pinansyal: 1. Libre o mura/sulit ba ang app? 2. Paano ito pinapatakbo ng developer? (freemium model, libre pero maraming ads, may libre at paid versions, atbp.) 3. Paano napapanatili ng app na ito na magpatuloy ang operasyon? (dahil may mga app na maaaring pinahihinto o di na magkakaroon ng update) |
Motibasyonal: 1. Mahihikayat ba nito ang mga mag-aaral na matuto at mag-aral? 2. Kaya ba nitong gawin na personal ang pag-aaral ng mga estudyante batay sa kanilang pangangailangan at gustong paraan na matuto? 3. May espasyo at pagkakataon ba ng interaksyon ang mga mag-aaral? |
Pedagohikal: 1. Matatahi ba nito ang learning goals/competencies? Sa anong paraan? 2. Nagbibigay ba ito ng pagkakataon ng feedback at kolaborasyon? 3. Maitatahi ba nito ang mga istratehiya at pedagohiya sa pagtuturo? 4. Malilinang ba nito ang kasanayang pangliterasi o kaya naman makatutulong sa iba pang aspekto ng pagtuturo tulad ng classroom management o progress tracking? |
Mga Tech tools at Apps, at Resources na maaaring gamitin sa pagtuturo ng Filipino:
P.S. Maging curator, huwag maging dumper. Balikan ang mga batayan sa itaas, o kaya gamitin ang sarili mong batayan. Maaaring magamit ang mga apps na ito sa iba’t ibang kasanayan, maaaring maraming kasanayan rin ang tuhog na nito, ngunit akin na itong pinangkat upang mas madaling hanapin at mailagay sa kategorya. Narito ang TALAAN NG TECHSTO:
1. LEARNING MANAGEMENT SYSTEM: Schoology, Canvas, Google Classroom, Moodle, Seesaw, Edmodo
2. PAGBASA AT PAG-UNAWA
- Digital Learning Library: Buribooks (interaktibong pagbabasa), Storyweaver.org. www. canvas.ph
- Virtual post-its at Bulletin Boards: Google Jamboard, Padlet, Popplet
- Visible Thinking Routines: gamit ang iba’t ibang productivity tools/apps (tingnan ang bilang 4)
3. PAGSASALITA AT PAKIKINIG
Voice Recording at Podcasts: Garage Band, Voice Memo, FlipGrid, voicethread
4. PAGSULAT, PAGGAWA NG PRESENTASYON NG IMPORMASYON AT DATOS
PRODUCTIVITY TOOLS:
- A) Google: Google Docs, Google Slides, Google Sheets,
- B) Microsoft: Word, Excel, Powerpoint
- C) Apple: Pages, Numbers, Keynote
- http://www.writable.com
5. PAGGAWA (iba’t ibang midya)
- Pagkuha at Pag-edit ng litrato: Camera app, Microsoft Paint, Keynote, Adobe Photoshop
- Memes: Mematic, http://www.imgflip.com
- Video, Vlog, Maikling Pelikula: iMovie, Apple Clips, Adobe Spark, Filmora, Flipgrid
- Graphic Design: Canva
- Digital Comics, Digital Books: Book Creator, Pages, ReadWriteThink’s Comic Creator, http://www.storyjumper.com, Keynote
- Pagguhit: Paper by Fifty Three, Keynote with Apple pencil, Google Jamboard
6. PANONOOD:
- Interaktibong Presentasyon: Google Slides with Poll Everywhere, o Pear Deck, Nearpod, Slido, Dualles (bilang dual monitor kapag may google meet)
- Interaktibong Panonood at Pagsagot: EdPuzzle with youtube
TEACHER TOOLS:
- Interaktibong pagtataya at pagsasagot: Kahoot!, Quizizz, Quizalize, Mentimeter, Quizlet, Socrative, Google Forms
- Virtual Field Trip: Google Earth, Google VR
- Gamified Classroom Management: Class Dojo, Class Craft
- Komunikasyon: viber, google hangouts, facebook messenger,
- Video Conference: Google Meet, Zoom, Cisco Webex, Schoology built-in Conference, Facebook Group Calling
PARA SA PROFESSIONAL DEVELOPMENT AT RESOURCES NG GURO:
- Online Resources ng Tech Tools https://en.unesco.org/covid19/educationresponse/solutions, https://www.literacyworldwide.org/blog/digital-literacies/app-a-day, https://wideopenschool.org
- Webinars sa Pagtuturo ng Filipino online: Rex Online Distance Learning Series- Nico Fos, Vibal Group Webinar Series- Prop. Alvin Ringgo Reyes
- Articles at Reading Materials: literacyworldwide.org, Readingrockets.org, Edutopia, Katipunan Journal ng Kagawaran ng Ateneo, Liwayway Pressreader ni Prop. Pat Villafuerte,
- Podcasts: empowerED podcasts, The Linya-Linya Show
- Video sessions: empowerED Facebook page, empowerED Youtube
SANGGUNIAN:
Common Sense. (2020) Wide Open School. Nakuha mula sa https://wideopenschool.org/
International Literacy Association. App a Day. Nakuha mula sa https://www.literacyworldwide.org/blog/digital-literacies/app-a-day
Peachey, N. (2013) Nik’s Learning Technology Blog. Nakuha mula sa https://nikpeachey.blogspot.com/2013/09/evaluating-authentic-mobile-apps-for.html
UNESCO (2020) Distance learning solutions. Nakuha mula sa https://en.unesco.org/covid19/educationresponse/solutions