All posts by Nico Fos

Filipino Language and Literature Teacher. Literacy Advocate. Apple Learning Leader. Digital Learning Consultant & Trainer. EdTech Coach.

Paano ba ituro ang pagbasa sa isang birtwal na kapaligiran?

Dulot ng “new normal”, marami sa mga guro ng wika at panitikan (Ingles man o Filipino) ay naguguluhan kung anong  makro-kasanayan sa literasi ba ang dapat linangin. Sabi ng awtor na si Richard Vaca ng librong Content Area Reading: Literacy and Learning Across the Curriculum, sa paglaki at pagtanda raw ng mga kabataan sa ika-21 na siglo, mas mataas na antas pa ng kasanayan sa pagbasa at pagsulat ang kinakailangan upang maging mahusay sila sa kanilang mga trabaho. maging mabuting mamamayan,  at maging matagumpay sa pakikipagbuno sa realidad ng buhay.

Ang tanong, paano natin malilinang ang mga kasanayang pagbasa at pagsulat sa isang birtwal na kapaligiran?

Magsimula tayo sa mahusay na pagpili ng mga panitikan na ating pinababasa. Kung mayroon tayong mga pagkakataon ng mga synergized at tematikong yunit, subuking pumili ng mga tekstong akma sa inyong tema. Mainam naman na paigtingin din ang paglikha ng malay bilang Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng mga teksto at panitikang hitik sa kulturang pinoy at may lokal na kulay tulad ng mga kuwentong bayan at kuwentong katutubo. Isa rin sa mahusay na uri ng panitikan ay ang mga napapanahon at sumasalamin sa ating lipunan. Bukod sa paglinang ng kasanayan at pagmamahal sa pagbasa ay pumili ng mga panitikang nakakapaglinang ng empathy at emotional quotient ng ating mga mag-aaral.

Sa pagtatangkang gawing interaktibo at mabisa ang ating pagtuturo ng pagbasa at pagsulat ay maaari nating gamitin ang dulog na 7 Keys to Comprehension ni Susan Zimmermann at Chryse Hutchins. Sinusulong nito ang simple at mga praktikal na mga istratehiya na tumutugon sa mga core skills ng pagbasa at pag-unawa nang sa gayon ay hindi lamang maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang binabasa, kundi mamahalin na rin ang pagbabasa.

1. Pagpukaw ng iskema o background knowledge– Dahil dito, nagkakaroon ng interes sa pagbabasa at maitatahi ng mambabasa ang mga makabuluhang koneksyon ng binabasa sa sarili, sa ibang teksto, sa lipunan, at sa mundo. Maaari tayong gumawa ng mga questioning models at graphic organizers sa pagpapalitaw ng mga koneksyon at paglinang na rin ng higher order thinking skills. Isang halimbawa nito ang SURI questioning model:

2. Pagbuo ng mga imahe– Mahalaga ang pagbuo ng mga imahe sa isipan habang nagbabasa upang maging kongkreto at mailarawan nila ang kanilang binabasa na unang hakbang sa pag-unawa. Maaaring gumamit ng 5 pandama sa pagbuo ng mga imahe na isusulat at ilalarawan ng mga mag-aaral sa isang graphic organizer (tingnan ang halimbawa ng empathy map sa ikalawang hakbang: https://nicofos.com/2020/05/27/paano-ba-ituro-ang-pananaliksik-sa-mga-batang-mag-aaral/) o sa mga tech tools na tulad ng Google Jamboard, Padlet, Trading Cards @readwritethink.org.

3. Pagtatanong – Bakas sa isang mahusay na mambabasa ang kasanayan sa pagsasagot at pagbuo ng mga makabuluhang tanong at maaari itong buuin bago magbasa, habang nagbabasa, at pagkatapos magbasa. Sa pagsasagot at pagbubuo ng mga tanong ay maaaring gawing batayan ang mga lebel ng pag-unawa upang maging holistic ang pag-unawa: 1. literal, interpretatibo, kritikal at analitikal)

Ang pagtala ng mga ideya at pagbubuo ng mga tanong ay maaaring sanayin ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng online journaling gamit ang apps tulad ng Seesaw: https://app.seesaw.me/activities/profile/oz4jcm/jerome-c-jaime

4. Paghihinuha– Gamit ang iskema at mga nabasa sa paghahanap ng kahulugan, konklusyon, prediksyon, at mga interpretasyon upang mapalalim ang pag-unawa sa kuwento. Maraming mga tech tools ang sumusuporta rito upang maging interaktibo at may lalim ang pagbabasa. Halimbawa ng mga apps na ito: EdPuzzle, Nearpod, at Google slides with Pear Deck.

5. Pagtukoy ng mahahalagang ideya at tema– Isang marka ng epektibong pagbabasa ang pagtukoy ng mga mahahalagang ideya at pagpukol sa tema ng teksto. Maaaring ituro ang paghihimay ng mga mahahalagang impormasyon at bahagi sa teksto mula sa hindi gaanong mahalaga at mga sumusuportang detalye lamang. Sa pamamagitan ng modelling at mga guided activities gamit ang mga ibibigay natin na templates at graphics organizers sa ating mga mag-aaral, tiyak nating malilinang ang kanyang kakayahan ng pag-unawang ito. Halimbawa: Paghimay ng MGA PANGUNAHING IDEYA at SUMUSUPORTANG DETALYE.

6. Pagbubuo ng sintesis– Ang pagbabasa ay isang uri ng paglalakbay, kung saan ay maraming mararanasan at ang isipan at damdamin ng mambabasa ay maaaring magbago habang nangyayari ito. Kaya naman dapat nating gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng sariling sintesis upang kanilang maaangkin ang sarili nilang pag-unawa at kahulugan sa binabasa—sa huli ay kanilang masasagot ang tanong na: Bakit ko nga ba ito binabasa? Para saan ba ito?

Mabuting isakonteksto ang pagtuturo ng pagbuo ng sintesis. Kapag bata pa ang mga mambabasa ay magsimula muna sa mga payak na pagbubuod ng kuwento at sa mga mas matanda na ay ang magpokus sa pagsasakahulugan ng binabasa at pagbibigay saysay kung bakit ito binabasa.

7. Paggamit ng fix-up strategies– Sa pagtuturo ng pagbabasa, palagi nating isipin na may kanya-kanyang lebel na ng pag-unawa ang mga mag-aaral; may mga mabibilis magbasa at mag-unawa, mayroong katamtaman lamang, at mayroon namang kailangan ng masusing paggabay at tulong upang maging matagumpay sa pagbabasa. Kaya naman mabuti na ating ituro ang iba’t ibang fix-up strategies sa ating mga mag-aaral sa isang birtwal na kapaligiran. Mga halimbawa nito ay:

A. Synchronous activities o sabayang gawain: 1) sabayang pagbasa sa isang video conference 2) pagkakaroon ng live Q&A habang at pagkatapos magbasa 3) lit circles sa Filipino upang magkaroon ng makabuluhang diskusyon at mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa binabasang teksto.

*Maaaring i-download, gamitin, at paghugutan ng inspirasyon ang aking ginawang lit circle: https://drive.google.com/drive/u/0/folders/18WnMvsqwRIRYhUvvWsqikKojhoR-DOvw

B. Asynchronous activities o mag-isang gawain: 1) pagkakaroon ng angkop na resources at online/offline na diksyunaryo bilang reading resource 2) muling pagbasa at pagsasanay sa mga iba’t ibang bilis ng pagbasa tulad ng mabagal, at paghihinto hinto sa bawat bahagi, at iba pa 3) pagkakaroon ng support feature sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalaan ng mga reading discussion forums na hindi kailangan maging pormal at bahagi ng aralin upang magkaroon sila ng komunidad ng mambabasa.

Isa sa mga napakahusay na app/tech tool upang malinang ang pagbasa at pag-unawa ay ang interaktibong digital library na Buribooks. Tahing-tahi nito ang 7 Keys to Comprehension sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga features tulad ng built-in na diksyunaryo, embedded questions, annotating tools, at iba pa. Tumungo lamang sa kanilang website para sa karagdagang impormasyon: www.buribooks.com.

(c) larawan mula sa Buribooks playstore

Hindi ito isang bibliya at ang nag-iisang batayan sa pagtuturo ng pagbasa, dahil ang pagtuturo ay isang personal na proseso. Kanya-kanya tayo ng diskarte, ngunit ang hindi mapapalitan ng teknolohiya at mga dulog na ito ay tayo mismong mga guro. Batid sa hirap ng ating sitwasyon ay magkaroon tayo ng pananaw ng kakayahang umunlad (growth mindset) at kakayahang umangkop (flexibility) para maging matagumpay tayo sa pagtuturo ng Filipino sa kahit anumang modality of learning. Sana rin ay kahit sinong guro sa iba’t ibang larang ay maging guro rin ng pagbasa, sapagkat ang pagbasa at pag-unawa ay ang building block ng literasi na maghahanda sa ating mga mag-aaral sa anumang landas na kanilang tatahakin.

Saludo sa mga guro sa/ng Filipino, pati na rin ang mga Pilipinong guro dahil tayo rin ay mga literacy frontliners!

Mapapanood ang kabuuan ng panayam hinggil sa paksang ito dito.

Sanggunian:

Adler, C.R. 2012. Seven Strategies to Teach Students Text Comprehension. Nakuha mula sa https://www.readingrockets.org/article/seven-strategies-teach-students-text-comprehension.

Villafuerte, P. 2020. Epektibong Pagtuturo. Nakuha mula sa https://www.pressreader.com/philippines/liwayway/20200316/282462826049332.

Zimmermann, S. 2011. Teaching with the 7 Keys to Comprehension. Nakuha mula sa https://files.ernweb.com/7keyshandout.pdf.

Advertisement

Paano ba ituro ang pananaliksik sa mga batang mag-aaral?

Kadalasan ay may stigma talaga na mababa ang pagtingin sa wikang Filipino. Pero naniniwala si Prop. Crizel Sicat-de Laza na kaya mababa ang pagtingin ng mga mag-aaral sa Filipino ay dahil may pulitika sa likod ng pagpili ng wika sa pananaliksik, “Sa pamamagitan ng pagpili ng wika sa pananaliksik, maiuugnay ang personal na aspirasiyon ng mga mag-aaral para sa bayan”. Kaya naman kailangan nating ituro ang pananaliksik kahit bata pa ang ating mga mag-aaral. Magpokus tayo sa paglinang ng mga makrong-kasanayan pang-literasi at paglinang ng 21st century skills upang sila’y maging kritikal at maging responsableng mamamayan. Sa paggamit ng wikang Filipino sa pananaliksik, nagiging mataas ang antas ng wika dahil maaari pala itong gamitin sa akademya o ng mga dalubhasa.

Bilang mga guro, minsan ay nasanay tayong mag-spoonfeed na lamang ng kaalaman. Ang isang bata ay natural na mausisa, ngunit unti-unti itong nawawala sa pagtanda bunga ng ganitong klase ng edukasyon. Mainam na himukin natin silang mag-isip, magtanong, at maging mausisa pa sa mura nilang edad sa pamamagitan ng pagtuturo ng pananaliksik. Maari rin nating i-replicate ito sa isang birtwal na kapaligiran!

Ang isang halimbawa ng dulog ng pagtuturo ng pananaliksik ay Design thinking, isang malikhaing proseso ng paghahanap ng solusyon sa isang suliranin na maaaring nakabatay sa UN Sustainable Development Goals. Sa aming paaralan ay nagkaroon ng Project-based Learning ngunit optional lamang dapat ito sa isang Online Distance Learning na pagtuturo sapagkat mahirap at masusing pagpaplano ang kinakailangan nito. Maaari nating gawin ay ituro ang mga basics at components ng pananaliksik gamit ang dulog na ito.

MGA HAKBANG SA DESIGN THINKING:

1. Empathize upang mas malaman kung ano ang pinakamahusay na suliranin, kapag nakiramdam, nakisangkot ka sa taong humaharap sa suliranin.

2. Define pangangalap ng datos at pagtukoy ng suliranin

A. Panayam sa mga naapektuhan ng suliranin

B. Persona technique– pagpasok ng panitikan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga persona at naratibo ng mga totong taong nakararanas ng suliraning ito

C. Panitikan- maghanap ng mga tekstong sumasalamin sa tunay na mundo at mga suliranin nito. Pagtukoy sa problema HALIMBAWA: Ang langgam at tipaklong: PROBLEMA: food security, climate UN SDG’s: zero hunger, climate action, life on land

APPS: DAMANG DAMAP (empathy map) sa pages/microsoft word/google doc (*asynchronous activity)

Halimbawa ng isang Empathy Map sa Filipino

3. Ideate– (brainstorming) -pag-iisip ng mga solusyon
APPS: padlet, google jamboard, google search/ scholarly sites/ sariling online learning resource/library domain, google productivity tools(*Asynchronous activity/synchronous activity)

MGA POSIBLENG KATEGORYA NG MGA SOLUSYON:
-Paggawa ng imbensyon (invention)
-Pagpapalaganap ng impormasyon o adbokasiya (information or advocacy campaign)
-Pagbibigay serbisyo (call to action through service)
-Pilantropiya (Philantrophy)

Tseklist ng mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng kanilang proyekto:
FEASIBLE- Kaya ba itong maipatupad?
EFFECTIVE- Kaya ba nitong lutasin ang suliranin?
EFFICIENT- Kaya ba itong gawin kahit limitado ang resources?


4. Prototype– subuking gawing konkreto ang mga naisip na ideya at gumawa ng isang prototype.

APPS: MAKERSPACE – mga bagay na makikita sa bahay
CANVA-graphic design art
Book Creator, Keynote, Google Productivity Tools- Work Curating

Habang nangyayari ang mga sesyong ito:

  1. Magbigay ng feedback at gabay sa mga mag-aaral habang nangyayari ang proyekto sa pamamagitan ng inyong LMS o maaaring sa conferences/consultation.

2. Magtalaga ng panahon sa mga mag-aaral na i-dokumento ang kanilang natutuhan at ginawa.

3. Kung ang kasanayan na ituturo ay ang pagsulat ng papel pananaliksik o talatang nangangatwiran, huwag na sobrang teknikal na ituro ang pananaliksik lalo na sa mga bata, bagkus ay mas bigyang pansin ang karanasan, pagtuklas at pagninilay sa ginawa at natutuhan.

5. Test– Maaaring magbigay ng feedback sa mga nagawa nilang proyekto, o magkaroon ng mga pagwawasto ng mga burador upang maging maayos ang kabuuan ng pananaliksik. Sa huli ng kanilang mga gawain ay magkaroon ng Pasalitang Pagsubok na kung saan ay magkaroon ng project pitching o kaya naman pagbabasa ng kanilang ginawang talata o papel pananaliksik upang mabasa ng ibang tao at maaaring maisakatuparan ito.
APPS: flipgrid, clips, imovie, Camera app/recording app

Mga Na-gets of wisdom sa pagtuturo ng pananaliksik online:

1. Easy-han lang sa simula. (start small! tulad ng inquiry-driven projects, mga sanaysay na nagangatwiran)
2. Maging mapagpasensya sa lahat ng pagkakataon. (sa deadlines, sa gawain, sa resources. sa sitwasyon)
3. Piliin ang mahalaga. (proseso ng pananaliksik, kasanayan, paksa, resources, pagtatayang gagawin)

“Bilang mga literacy workers, kailangan nating iangat ang antas ng mga kasanayang pang-literasi ng ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan at pagkakataon sa ating mga mag-aaral na magtanong, mag-usisa, at humanap ng mga solusyon upang maging mas makabuluhan ang pagtuturo ng pananaliksik.”

Mapapanood ang kabuuan ng panayam hinggil sa paksang ito dito.

Why Should We Tell Our Kids Never Again

(c) Lacey Anne Ramos

As a millennial who enjoys his rights to fully exercise his freedom of expression, I have not really experienced the horrors brought upon the violation of human rights and freedom that doomed this nation decades ago, nor I cannot fathom the apathy and the misinformation of the youth from the atrocities committed by the Marcoses. Amidst the collective memory of the many, the full documentation and historical studies on one of the darkest chapters of our history, why is it that most of the millennials have completely forgotten about it, do not care about it, worse, distort truths and decorate the dark era with gold edifice and splendor?

If I am writing this in time of the Martial Law, I could’ve been lying naked on ice, pretty banged and beaten up by MetroCom, my body lacerated with beatings and marks left by cigarette burns, or maybe hanged upside down, electrocuted with the wires connected to my fingers and genitalia. You and I wouldn’t be browsing silly videos on Youtube, search for answers on Google for our assignments, or laugh at memes on the internet. All of us wouldn’t be enjoying a drink from a pub or party hard on a bar past 12.

12782060_10153757578899733_1762926852_n
(c) Lacey Anne Ramos Deceparacidos, EDSA trenta Experiential Museum

It has been cliche to forgive and forget, but many times in the course of our history that the Filipino has embraced it and imbued it in our cultural domains. We forgive, of course, but there are certain circumstances and boundaries that should govern in the process, but never, ever forget.

Mendiola Massacre? Maguindanao Massacre? Mamasapano? The Lumads? Do they still ring a bell? During those events, they were the frontiers of newspapers, the main stories from the news, the trend in social feeds, but today, people hardly talk about them anymore. For some people, there is immense pleasure in showcasing ‘intellect’ on societal issues, converting Facebook likes into cheap shots of pride and pretentious sense of belonging offered by virtual society. As times go by, aside from having an elusive justice, such events are nothing but forgotten fragment of our own past.

The Japanese never forgot their war-crimes, even the current Emperor himself who was only a little kid during the WW2 expressed his profound remorse for Japan’s actions. He also paid his tributes to the victims, veterans, and heroes of war. The Jews who were victims of the holocaust erected memorials and statues, built museums and educated their children in memory of their kin. They even remembered the Philippines as a loving country who provided asylum to the Jews that sought refuge.

Where as we, we don’t only forget, but we re-elect them in public office! We desecrate the monuments built to uphold the legacies of our brave fellowmen. We manipulate truths into our own accord for the sake of politicking and self-interest. We invent a glorious past fueled by our disillusionment, hence turning a blind eye on facts and figures on what really has happened in our country.

In class, I took the liberty of telling the story of EDSA by Russel Molina and ISANG HARDING PAPEL by Augie Rivera. These storybooks are creative avenues to educate the children about what transpired during the time of Martial Law. I retold the stories of how the dictator imposed havoc on his people, solidifying the foundations of corruption in the government, political abductions and killings, torture methods and all of the unimaginable things that compromised our freedom. There was little expectation on them to digest everything and create a visual interpretation of the time that was, but I was really surprised on their interest and curiosity. After our storytelling, I asked them to write about anything for the Martial Law victims. Most of my kids said thank you for their heroism, but two kids wrote three things that struck me the most. Sana masaya na kayo dyan sa langit…Salamat dahil malaya na kami ngayon…Sana di na ito maulit.

This is where teachers, parents, and adults come in to educate our young ones. The curriculum on Araling Panlipunan should have a clearer and more structured discourse in tackling the Martial Law, explaining why #NeverAgain, backed up by true stories and factual data. It is a fact that Filipinos are non-confrontational in nature, but as a country, we should confront our past, good or evil so that we can use them as a guide to our future.

12790066_10153758857529733_36799356_o
(c) Lacey Anne Ramos

At the end of the day, it is not just how much you knew, how much you sympathized, or how much you remembered, but how you continued recounting the stories and fighting the same principles for the generations to come.

After all, EDSA Revolution was never an end, but a start. Tara na sa EDSA…

In Full Spectrum: Mga Thomasites, mga kadakilaan, at mga kuwentong titser hango sa Alpabeto

12096240_10206332207516780_508646104514172796_n
(c) Matt Sarmiento

Simula pa noong 1901, nang dumaong ang barkong USAT Thomas sa mga baybayin ng ating bansa, binago nila ang landscape of educational system ng ating kapuluan.  Imagine niyo, mga amerikano, Thomasites tawag sa kanila, napadpad sa kabilang hemisphere ng mundo para magturo. Hinarap nila ang mga sitwasyong lack of facilities and resources, books, language barrier, delayed dispersal ng suweldo, unequal access sa mga estudyante, attendance at tardiness dahil dadalo ng fiesta o kaya naman walang pambaon sa school —-a century and a decade later, pareho pa rin ang hinaharap ng mga teachers ngayon!

Naging backbone ng pagturo nila ang Ingles, at sabi ng iba, na-damage yung pagtubo ng  national consciousness natin bilang bansa. Na-intervene daw ang ating kultura, nasingitan ang dapat na pagyabong ng sariling wika. “A is for Apple”. Wala naman tayong apples diba? Eh, A is for Atis kaya?

Gayunpaman, hindi naman maipagkakaila mga kontribusyon nila. Ikanga, they were the precursors of the Peace Corps volunteers. Pero hindi talaga yun ang dahilan kung bakit ako nagsulat ngayon. Wala lang, kinuwento ko lang. Masayang tidbits kasi siya ng ating kasaysayan dahil anuman ang kinahaharap ng mga guro noon, ganun pa rin ngayon. Anyare?

Sa panahon ngayon, maraming avenue at platforms para ma-avail ang edukasyon. Andyan ang online teaching, homeschool, formal education at kung anu-ano pa. At ito ako, kumakana sa larangan ng pagtuturo sa public elementary school. Hayaan niyo na ikuwento ko ang aking karanasan sa pagturo, the classic Thomasite way:

is for Atrocities- Wow big word, tohl. Para maimpress kayo at basahin hanggang Z!

B is for Babies- Nag-aalaga ng mga average 50 bata, umiiyak, nagdadaldal, nagpapapansin, may najejebs.

C is for Challenge- The moment we entered to the field, isinubo namin nang buong buo ang pagsubok na ito. KAKAYANIN!

D is for Deadlines- Kami ay nakikipag-bunuan sa oras dahil sa mga kailangan tapusin. Hirit pa, “Meron pa bang deadliest line?”

E is for Eternity- Sabi nga ni Kuya Henry Adams,”A teacher affects eternity; he can never tell where his influence stops.”

F is for Feels- Sana may hotline ang mga teacher para ibuhos ang mga nararamdaman nila. O kaya, kung gusto niyong magkawang-gawa, “Talk-to-a-teacher today!”

G is for Gets?- Yung tinuro na ang division for the nth time, di pa rin nila gets. Naniniwala na ako sa forever!

H is for Heart- Tohl, teachers have the biggest hearts. Alam mo yun. They have the hearts to serve, tsaka hearts na sumisikip dahil sa inis sa mga bata.

I is for Ideology- May prinsipyo na nago-govern sa isang tao bakit niya pinasok ang serbisyo ng pagturo. TAng tanong, do they still preserve it?

J is for J.A.P.A.N.- Just Always Pray At Night. Tama, dasal dasal lang talaga. (Easssy) Oo no, na sana di sila mag- pasaway bukas.

K is for Kara Krus- isama mo pa ang pogs, gagamba, dampa, Chinese garter at kung anu-ano pang laruan na dinadala nila.

L is for Love- Teka maya nato.

M is for Maestro. Italyanong term ng music conductor. Isang wagayway ng kamay ay na-kokontrol ang himig ng bawat isa, parang sa classroom lang. Sha nga pala, bisayan term din ng teacher!

N is for Negatron- Alam mo minsan, ang tao hindi dahil ayaw niya sayo, moody, or masama ugali nagkataon, teacher lang siya. Minsan kakasulong ng misyon, nakokonsumisyon.

O is for Orthodox- Ang titser ay isang organismo na kailangang umayon sa norm o sistema, ngunit ang pagbaklas  at pagpilit na humiwalay dito ay tanda ng ebolusyon, ng new gen of educators.

P is for Patience- As one of my colleagues once said, “Patience is not a virtue anymore, but a skill’’. Kung kaya, ang pagtuturo ay nag-rerequire ng immense amount of skill na ito.

Q is for Questions-  Yung tipong, you ask yourself repeatedly, “bakit ko ba ginagawa ito”? Then you question your ability, “Ginawa ko na ang lahat, pero bakit ganun pa rin?” Yun lang, tayo ang nakakasagot.

R is for Reinvention-  Kailangang i-reinvent ang sarili everytime, para tangkilikin ng mga bata.

S is for Sahod- Ikanga, hindi man kumikita ng malaki, fulfilling naman, yumayaman ang puso mo.

T is for Time- Siguro ang pinakaprominenteng aspeto sa mga resources na maaalay ng isang guro ay ang kanyang naigugol na oras at panahon.

U is for Ugat- Isa sa mga tinuturong ugat ng baluktot na pag-asenso ay ang obsolete system of education, at bilang guro, nakasampa sa balikat ang pagdala ng napapanahong pagtuturo.

V is for Vendetta- Hindi yung palabas tohl, but teaching itself is a war, a vendetta, isang pakikipagbunuan laban sa kamangmangan.

W is for Worst- Teaching, just like any job, brings the best and the worst in you. At nasa iyo yun kung paano ito mag-materialize sa classroom.

is for X-Factor- Mayroong something kung bakit ito ginagawa,kung bakit pinilit mag-stay, ang deciding element.

Z is for Zombie- Puyat. Pagod. Stressed. Di nakakakain. Edi, zombie!

“Love is the one thing we’re capable of perceiving that transcends dimensions of time and space”, sabi nga ni Cooper sa palabas na Interstellar.  Ang mga Thomasites, dinako ang kabilang mundo, bukod sa utos ng Imperyal America, nag-sign up for the love of learning.

At sa akin, sa kabila ng lahat, kahit may mga panahon na salungat ang uniberso at nanunukso ang panahon, masasabi kong ang pag-ibig na dalisay para sa mga bata at sa aking bansa ang dahilan kung bakit ako napapatuloy.

10004044_10153627476479733_647737830340140162_n
(C) Lacey Anne Ramos