TALAAN NG TECHSTO: Mga Tech Tools, Apps, at Resources na sumusuporta sa Online Distance Learning

Bago tayo mamili ng mga apps na gamitin, mahalagang ikintal muna natin sa ating isipan na parehong personal at kolaboratibong proseso ang pagpili ng tech tools sa pagtuturo. Dahil ang bawat guro ay magkaiba, may sariling istilo at kapasidad sa tech, mabuting may personal na pagsusuri sa mga gagamiting tech tools. Sa kabilang banda, isa rin itong kolaboratibong proseso, dahil kailangang pag-usapan rin ng inyong kagawaran, paaralan o ng institusyon ang pagpili ng mga gagamiting tech tools nang sa gayon ay maging uniporme ninyo itong gagamitin at magkaroon ng masusi na pagsusuri kung dapat nga ba itong gamitin. May kaakibat din na sapat na pagsasanay at training upang maging ganap na kapaki-pakinabang ito.

Maraming mga batayan na maaaring gamitin mula sa iba’t ibang mga guro at eksperto, tulad ng sa binanggit sa blog ng isang batikang Edtech Innovator na si Nik Peachey, mayroong 4 na batayan sa pagpili ng tech tool bago ito gamitin.

4 na Batayan ng Pagpili ng Tech Tool
Teknikal: 
1. Madali bang gamitin?
2. Gagana ba ito sa maraming platforms at devices?
3. Ligtas ba itong gamitin?
4. Ano ang work-around kung sakaling pumalya ito o may limitasyon?
Pinansyal: 
1. Libre o mura/sulit ba ang app?
2. Paano ito pinapatakbo ng developer? (freemium model, libre pero maraming ads, may libre at paid versions, atbp.)
3. Paano napapanatili ng app na ito na magpatuloy ang operasyon? (dahil may mga app na maaaring pinahihinto o di na magkakaroon ng update)
Motibasyonal: 
1. Mahihikayat ba nito ang mga mag-aaral na matuto at mag-aral?
2. Kaya ba nitong gawin na personal ang pag-aaral ng mga estudyante batay sa kanilang pangangailangan at gustong paraan na matuto?
3. May espasyo at pagkakataon ba ng interaksyon ang mga mag-aaral?
Pedagohikal: 
1. Matatahi ba nito ang learning goals/competencies? Sa anong paraan?
2. Nagbibigay ba ito ng pagkakataon ng feedback at kolaborasyon? 
3. Maitatahi ba nito ang mga istratehiya at pedagohiya sa pagtuturo?
4. Malilinang ba nito ang kasanayang pangliterasi o kaya naman makatutulong sa iba pang aspekto ng pagtuturo tulad ng classroom management o progress tracking?

Mga Tech tools at Apps, at Resources na maaaring gamitin sa pagtuturo ng Filipino:

P.S. Maging curator, huwag maging dumper. Balikan ang mga batayan sa itaas, o kaya gamitin ang sarili mong batayan. Maaaring magamit ang mga apps na ito sa iba’t ibang kasanayan, maaaring maraming kasanayan rin ang tuhog na nito, ngunit akin na itong pinangkat upang mas madaling hanapin at mailagay sa kategorya. Narito ang TALAAN NG TECHSTO:

1. LEARNING MANAGEMENT SYSTEM: Schoology, Canvas, Google Classroom, Moodle, Seesaw, Edmodo

2. PAGBASA AT PAG-UNAWA

  • Digital Learning Library: Buribooks (interaktibong pagbabasa), Storyweaver.org. www. canvas.ph
  • Virtual post-its at Bulletin Boards: Google Jamboard, Padlet, Popplet
  • Visible Thinking Routines: gamit ang iba’t ibang productivity tools/apps (tingnan ang bilang 4)

3. PAGSASALITA AT PAKIKINIG

Voice Recording at Podcasts: Garage Band, Voice Memo, FlipGrid, voicethread

4. PAGSULAT, PAGGAWA NG PRESENTASYON NG IMPORMASYON AT DATOS

PRODUCTIVITY TOOLS: 

  • A) Google: Google Docs, Google Slides, Google Sheets,
  • B) Microsoft: Word, Excel, Powerpoint 
  • C) Apple: Pages, Numbers, Keynote
  • http://www.writable.com

5. PAGGAWA (iba’t ibang midya)

  • Pagkuha at Pag-edit ng litrato: Camera app, Microsoft Paint, Keynote, Adobe Photoshop
  • Memes: Mematic, http://www.imgflip.com
  • Video, Vlog, Maikling Pelikula: iMovie, Apple Clips, Adobe Spark, Filmora, Flipgrid
  • Graphic Design: Canva
  • Digital Comics, Digital Books: Book Creator, Pages, ReadWriteThink’s Comic Creator, http://www.storyjumper.com, Keynote
  • Pagguhit: Paper by Fifty Three, Keynote with Apple pencil, Google Jamboard

    6. PANONOOD:

  • Interaktibong Presentasyon: Google Slides with Poll Everywhere, o Pear Deck, Nearpod, Slido, Dualles (bilang dual monitor kapag may google meet)
  • Interaktibong Panonood at Pagsagot: EdPuzzle with youtube 

TEACHER TOOLS:

  • Interaktibong pagtataya at pagsasagot: Kahoot!, Quizizz, Quizalize, Mentimeter, Quizlet, Socrative, Google Forms
  • Virtual Field Trip: Google Earth, Google VR
  • Gamified Classroom Management: Class Dojo, Class Craft
  • Komunikasyon: viber, google hangouts, facebook messenger,
  • Video Conference: Google Meet, Zoom, Cisco Webex, Schoology built-in Conference, Facebook Group Calling

PARA SA PROFESSIONAL DEVELOPMENT AT RESOURCES NG GURO:

SANGGUNIAN:

Common Sense. (2020) Wide Open School. Nakuha mula sa https://wideopenschool.org/

International Literacy Association. App a Day. Nakuha mula sa https://www.literacyworldwide.org/blog/digital-literacies/app-a-day

Peachey, N. (2013) Nik’s Learning Technology Blog. Nakuha mula sa https://nikpeachey.blogspot.com/2013/09/evaluating-authentic-mobile-apps-for.html

UNESCO (2020) Distance learning solutions. Nakuha mula sa https://en.unesco.org/covid19/educationresponse/solutions

Advertisement

TEACHING DESPITE A PANDEMIC

NOTE: This is a non-verbatim transcript of my insights during an equity-based conversation on learning during & post-covid with my co-fellows from Teach for All network.

These were my insights to the following questions from the panel discussion:

  1. The pandemic has really pushed us to examine the purpose of schooling and what we need to prioritize when we think about enabling our students to navigate the present and the future. What are some of the needs you are seeing experienced by your students during this time?   

Answer: I was reminded by an independent report written by my good friend Jim and other global educators to the UNESCO about Thinking about Pedagogy in an Unfolding Pandemic: they wrote about MASLOW before BLOOM. This should be the norm on how we go about our learning continuity program; our government, our institutions, our schools, should look into the needs of everyone fist: the physiological needs of students and families affected by the pandemic, health and safety of everyone, job securities, and socio-emotional being & mental health. From there, we proceed to decide what are the necessary learning continuity programs should take place. The needs assessments also clearly indicate the need for equal access to technology and connectivity,  prioritizing education budget,  and the readiness of the students, parents, and teachers.

2. As a result of the pandemic, educators everywhere have needed to innovate and adapt to a ‘new normal’. How are you seeing that happen in your context or doing so in your own work, particularly in terms of leveraging technology for learning? 

Answer: Educators and school leaders are able to design their learning continuity programs in such a way that it would suit the context of the students and the resources of the community.  When we opt for online and online distance learning, we use technology to establish and maintain the learning environment.  Teachers are also using technology to reduce the loneliness and anxiety brought by this pandemic by designing learning programs and use tech tools that enable feedback and interaction. More concrete examples: Some LGU’s are handing out tablets to teachers and students. Different learning modalities such as broadcast-enabled learning through televisions and radios for far-flung areas, and learning packages for remote learning are being rolled out. One thing to note is that how teachers are also finding their own ways to leverage technology. For example, they are using Facebook messenger for interaction and communication, in fact Philippines is world leader in social media usage.

Different institutions and individuals are finding ways to be creative and resourceful, and so it is a collective effort and partnership between stakeholders to make learning successful.

3. What are some things that continue to be true for your practice of teaching and what are some that have changed as you and your students grapple with this new reality?

Answer: There is a divide, a digital divide and access to quality education even before the pandemic, and so this difficult time just widens it more. And so what remains true is that we should plan long term goals in mitigating these equity issues so we can close the gap because we don’t want our students to be left behind. As for me, it is a personal process, to be able to sustain your personal values as teachers on how you practice your teaching in a different context or learning modality. We have to understand that we are navigating through uncharted waters, we are in a storm which is the pandemic. Some of us maybe are in a yacht, some are on sturdy boats, some are on rafts, some are even clinging tightly on their logs, and some may even be just swimming around. We should work together and understand others where they are coming from.

4. As educators, what gives you hope right now and what is your vision for the education system in your contexts in light of this new learning?

Answer: I truly believe that teachers and schools should continue to have that growth mindset and grit especially in these trying times. My vision is that teachers are embracing the fact that their roles as educators are changed by the pandemic. This is a litmus test for everyone. Will we rise to the occasion and take on the challenge?  A lot of veteran and new teachers are learning apps and tech tools,  attending multiple webinars, adapting contextualized layering in their curriculum designs by creating online and offline resources to be used in their respective learning continuity programs.                       

At the end of the day, as my organization, Teach for the Philippines always say, “Education is everybody’s business” and it rings true, especially the government and the very institutions that uphold our societies in place.

Virtual bumps and high-fives to our fellows in Teach for All Network: Rachel, Archana, and Sreyleap for a fun and meaningful conversation!

I am very grateful for Teach for the Philippines, , Teach for All, Xavier School, and LearnTechAsia Conference for giving me the opportunity to be part of this equity-based conversation on learning during these trying times. June 18, 2020, I was able to share and use the lens brought about my experiences and context teaching in the public school and now in a private institution being an edtech coach and literacy advocate.

It was so nice to hear that we are not alone, that what’s happening particularly in Southeast Asia and some areas around the world resonates with our context here in the Philippines. The inequity such as digital divide and prioritization of needs are prevalent, and this pandemic widens that gap even more. But this also allows our teachers and school leaders rising up to the occasion, becoming not just educators, but navigators and frontliners of learning.

Paano ba dapat gawin ang mga pagtataya sa ilalim ng “new normal”?

Nakasalalay sa pagbuo ng mga epektibong pagtataya ang pagbibigay buhay natin sa mga mahusay at mabisang aralin. Planado rin dapat ang mga kaakibat na mga gawain na susubok sa pag-unawa ng iba’t ibang uri ng mag-aaral. Sa ilalim ng new normal, mahalaga pa ring mapalalim ang pag-unawa natin sa konteksto ng mga mag-aaral, mabigyan sila ng pagkakataon na maging mga taga-taguyod at tagahabi ng kanilang pagkatuto at kung paano nila ito maipakita sa kanilang sariling paraan.

Sa pamamagitan ng online distance learning , maaari tayong gumawa ng mga accessible at conducive na mga espasyo ng pampagkatuto kung saan mayroong pagkakataon na maging interaktibo sa guro at sa iba pang mga mag-aaral, mayroong pagkakataon na makatanggap at makapagbigay ng konstruktibong puna at pagpasok ng mga awtentikong pagtataya na hahasa sa ating mga mag-aaral upang maging handa sa pagpasok sa Fourth Industrial Revolution at new normal.

Paano ba natin gagawin ang pagtataya sa isang online na pagtuturo? Mayroong isang mahusay na dayagram galing sa isang propesor ng Concept-Based Curriculum at Educational Technology mula sa Unibersidad ng Hong Kong na si Jennifer Chang Wathall:

1. Diagnostic Test– Mabuting isipin muna ang mga pagtataya at learning outcomes bago bumuo ng mga gawain upang sa gayon ay malaman kung ano ang kasalukuyang lebel ng mga mag-aaral at kung saan sila nanggagaling. Mas makaiisip tayo kung anong maaari nating gawin upang matugunan at matulungan sila sa kanilang pag-aaral.

2. Formative assessment– Sa ating aralin ay lagi nating i-tsek ng pag-unawa (checking for understanding) ng ating mga mag-aaral upang malaman natin kung may natutuhan ba sila sa aralin. Maaaring gawing synchronous o sabayan ang gawain ng pagtataya at asynchronous activities o maaaring gawin nila sa sarili nilang oras at panahon ng kanilang paggawa. Sa pagtataya sa isang birtwal na kapaligiran ay kailangang may espasyo para sa feedback at interaksyon ng guro at mga mag-aaral.   (Para sa mga apps at tech tools na susuporta sa pagtataya, tumungo lamang sa https://www.nwea.org/blog/2019/75-digital-tools-apps-teachers-use-to-support-classroom-formative-assessment/.)

Paano natin masisiguro na may natutuhan talaga ang ating mga mag-aaral? Sanayin natin sila sa pagkakaroon ng mga routines ng pagpapalabas ng kanilang visible thinking. Ang layunin ng visible thinking ay gawing bukas at malay, at intensyonal ang proseso ng pagkatuto. Ginagawa nitong kongkreto ang pagkatuto at nakatutulong din ito upang maging sanay at komportable ang ating mga mag-aaral sa pagbahagi ng kanilang mga natutuhan at mga ideya sa masusi at makabuluhang paraan.

Sa isang online na pagtuturo, laging pakatandaan: MASLOW muna bago BLOOM. Ibig sabihin, siguraduhin muna ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral, pati na ang kakayahan na magawa ang mga pagsasanay at pagtataya. Bago natin subukin ang kanilang pagkatuto mula sa mga kasanayan sa ilalim ng Bloom’s Taxonomy, tiyakin muna natin na hindi sila lugi sa ibang mag-aaral pagdating sa Heirarchy of Needs ni Maslow. Sila ba ay may kakayang gawing prioridad ang edukasyon bilang bahagi ng mga pangunahing pangangailangan? May kakayahang mag-online at may devices sa bahay? May mga magulang o may adult ba na susuporta ba sa kanila sa ganitong setup? Sa totoo lang, bago pa man tayo humantong sa pandemyang ito, ganito na ang tagpo ng edukasyon sa ating bansa.

Kaya naman bilang mga guro, magkaroon tayo ng sapat na pag-unawa at flexibility sa pagbuo ng ating mga pagtataya na maaaring magawa at masanay pa rin ng kahit sinong mga mag-aaral. Sa panahon ngayon, bigyan natin ng halaga ang mga pormatibong pagsasanay kaysa sa mga lagumang pagtataya, dahil mas mainam ang malimit na pagsasanay ng mga kasanayan, ngunit hitik naman sa pagkatuto upang mabigyan ng sapat na datos ang mga guro upang mapabuti ang pagtuturo at pag-aaral ng mga mag-aaral.

3. Summative Assessment-  Kung nais nating magkaroon ng lagumang pagtataya, huwag nating isama lahat ng paksa at kasanayan na natutuhan sa buong taong panuruan o markahan. Mas mainam na pumili tayo ng mga pinakaesensyal na competencies na gagawan natin ng awtentikong pagtataya at pasok dapat ang mga mas mataas na antas ng Bloom’s Taxonomy upang makamit din ang mas mataas na antas ng pagkatuto o HOTS (higher order thinking skills). Magkaroon ng aplikasyon sa mga  nangyayari sa tunay na mundo, bilang mga mag-aaral ay maaari silang maka-isip at makagawa ng mga solusyon sa mga suliranin ng lipunan. Bukod pa riyan, ang mga pagtatayang nakabatay lamang sa mga mababang antas ng Bloom’s Taxonomy tulad ng pagkakabisa at pag-unawa ng mga payak na konsepto ay maaaring magbigay ng pagkakataon ng academic dishonesty dahil pwedeng i-search na lamang ang sagot sa internet. Ito ang nararapat na layunin ng edukasyon, hindi lamang ang pagkabisa at pagkatuto ng mga kaalaman, kundi kung paano nila magagamit sa tunay na buhay ang mga natutuhan nila.

Kaakibat ng ating pagbuo ng mga awtentikong pagtataya ay ang paghabi ng mahusay na rubrics upang maging kasangkapan natin sa paghatid ng feedback sa ating mga mag-aaral. Mapalad akong magkaroon ng isang kaibigan at partner sa trabaho nagpaunlak ng kanyang expertise tungkol sa mga uri ng rubrics at gabay sa pagbuo nito. Narito ang kanyang presentasyon at maaari itong i-download at pag-aralan, pumunta sa link na ito: https://drive.google.com/file/d/1m_o9kdROZ6TA_fnR4g6WvGdiz4qlRXWg/view?usp=sharing.

Sa paggawa ng ating rubrics, lagi nating isipin ang mindset ng isang kampeon na si Michael Jordan ng Chicago Bulls. Ika-nga ni Jordan sa midya na palaging umaaligid at nangungulit sa kanya upang hingan siya ng pahayag, para sila ay tumigil sabi niya na lang na, “I won’t talk, but I will let my game do the talking.” Ganoon rin dapat tayo sa rubrics ng ating mga pagtataya: ipakita natin na malinaw at mahusay ang pagkabuo na rubrics para ito na mismo ang magpaliwanag para sa iyo at maiiwasan ang pagkuwestiyon ng validity ng iyong pagsubok. Hindi ko sinasabing huwag tayong sumagot sa mga tanong nila, mabuti na magbigay pa rin tayo ng feedback sa ating mga estudyante, ngunit ang isang mabisang rubrics ay kailangang may nilalaman ng mga mahahalagang kasanayan, may malinaw na pamantayan, nakatulong sa consistent na pagmamarka, at higit sa lahat, makatulong sa ating mga mag-aaral at mga guro na mapabuti ang kalidad ng ating mga pagtataya, ganoon na rin sa kanilang pagkatuto.

Kung ang ating mga awtentikong pagtataya ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na pumili ng paraan kung paano nila ipakikita ang kanilang natutuhan, tiyak na masisiguro natin na awtentiko rin ang pagkatuto. Sa tuwing lilikha sila ng isang sining o panitikan tulad ng tula, awit, rap, o memes man, kailangan ng paninindigan na kaakibat sa sining. Sabi nga ng isang batikang manunulat na si Lualhati Bautista, ang paninindigan ay dapat katawanin ng kanyang sining. Magkakaroon lamang ng kabuluhan at silbi ang ating mga pagtataya at gawain kung mayroon rin itong paninindigan.

Maraming salamat sa pagbabasa ng blog na ito. Nawa’y nakatulong po ito sa inyong pagbuo ng mga sariling pagtataya at huwag kalimutan pong ang tanging instrumento upang maging matagumpay ang pagtataya ay ikaw mismo, bilang guro. Alagaan po ninyo ang inyong mga sarili at mabuhay kayo! Padayon!

Mga Sanggunian:

Almario, A. at Austria, R. 2020. 8 Principles in Designing Authentic Online Assessments . Kinuha sa https://drive.google.com/file/d/1FMno60tfYNbBKvDEUAG1ZAyeBBVVAzNB/view?fbclid=IwAR1piNjlkdNW6o91eLgLkk1zkRnMq5Dy7vpyjg088FsUl2hAkqv8Gtsu2sw

Doucet, A., Netolicky, D., Timmers, K., at Tuscano, F. Thinking about Pedagogy in an Unfolding Pandemic. Nakuha mula sa https://francisjimtuscano.com/2020/04/13/independent-report-to-unesco-ei-thinking-about-pedagogy-in-an-unfolding-pandemic/

Miller, A. 2020. Formative Assessment in Distance Learning. Kinuha sa https://www.edutopia.org/article/formative-assessment-distance-learning

Miller, A. 2020. Summative Assessment in Distance Learning. Kinuha sa https://www.edutopia.org/article/summative-assessment-distance-learning

Full Video ng Webinar sa Pagdisenyo ng Awtentikong Pagtataya at Kaakibat na Rubrics sa Pagtuturo ng Filipino Online