
Simula pa noong 1901, nang dumaong ang barkong USAT Thomas sa mga baybayin ng ating bansa, binago nila ang landscape of educational system ng ating kapuluan. Imagine niyo, mga amerikano, Thomasites tawag sa kanila, napadpad sa kabilang hemisphere ng mundo para magturo. Hinarap nila ang mga sitwasyong lack of facilities and resources, books, language barrier, delayed dispersal ng suweldo, unequal access sa mga estudyante, attendance at tardiness dahil dadalo ng fiesta o kaya naman walang pambaon sa school —-a century and a decade later, pareho pa rin ang hinaharap ng mga teachers ngayon!
Naging backbone ng pagturo nila ang Ingles, at sabi ng iba, na-damage yung pagtubo ng national consciousness natin bilang bansa. Na-intervene daw ang ating kultura, nasingitan ang dapat na pagyabong ng sariling wika. “A is for Apple”. Wala naman tayong apples diba? Eh, A is for Atis kaya?
Gayunpaman, hindi naman maipagkakaila mga kontribusyon nila. Ikanga, they were the precursors of the Peace Corps volunteers. Pero hindi talaga yun ang dahilan kung bakit ako nagsulat ngayon. Wala lang, kinuwento ko lang. Masayang tidbits kasi siya ng ating kasaysayan dahil anuman ang kinahaharap ng mga guro noon, ganun pa rin ngayon. Anyare?
Sa panahon ngayon, maraming avenue at platforms para ma-avail ang edukasyon. Andyan ang online teaching, homeschool, formal education at kung anu-ano pa. At ito ako, kumakana sa larangan ng pagtuturo sa public elementary school. Hayaan niyo na ikuwento ko ang aking karanasan sa pagturo, the classic Thomasite way:
A is for Atrocities- Wow big word, tohl. Para maimpress kayo at basahin hanggang Z!
B is for Babies- Nag-aalaga ng mga average 50 bata, umiiyak, nagdadaldal, nagpapapansin, may najejebs.
C is for Challenge- The moment we entered to the field, isinubo namin nang buong buo ang pagsubok na ito. KAKAYANIN!
D is for Deadlines- Kami ay nakikipag-bunuan sa oras dahil sa mga kailangan tapusin. Hirit pa, “Meron pa bang deadliest line?”
E is for Eternity- Sabi nga ni Kuya Henry Adams,”A teacher affects eternity; he can never tell where his influence stops.”
F is for Feels- Sana may hotline ang mga teacher para ibuhos ang mga nararamdaman nila. O kaya, kung gusto niyong magkawang-gawa, “Talk-to-a-teacher today!”
G is for Gets?- Yung tinuro na ang division for the nth time, di pa rin nila gets. Naniniwala na ako sa forever!
H is for Heart- Tohl, teachers have the biggest hearts. Alam mo yun. They have the hearts to serve, tsaka hearts na sumisikip dahil sa inis sa mga bata.
I is for Ideology- May prinsipyo na nago-govern sa isang tao bakit niya pinasok ang serbisyo ng pagturo. TAng tanong, do they still preserve it?
J is for J.A.P.A.N.- Just Always Pray At Night. Tama, dasal dasal lang talaga. (Easssy) Oo no, na sana di sila mag- pasaway bukas.
K is for Kara Krus- isama mo pa ang pogs, gagamba, dampa, Chinese garter at kung anu-ano pang laruan na dinadala nila.
L is for Love- Teka maya nato.
M is for Maestro. Italyanong term ng music conductor. Isang wagayway ng kamay ay na-kokontrol ang himig ng bawat isa, parang sa classroom lang. Sha nga pala, bisayan term din ng teacher!
N is for Negatron- Alam mo minsan, ang tao hindi dahil ayaw niya sayo, moody, or masama ugali nagkataon, teacher lang siya. Minsan kakasulong ng misyon, nakokonsumisyon.
O is for Orthodox- Ang titser ay isang organismo na kailangang umayon sa norm o sistema, ngunit ang pagbaklas at pagpilit na humiwalay dito ay tanda ng ebolusyon, ng new gen of educators.
P is for Patience- As one of my colleagues once said, “Patience is not a virtue anymore, but a skill’’. Kung kaya, ang pagtuturo ay nag-rerequire ng immense amount of skill na ito.
Q is for Questions- Yung tipong, you ask yourself repeatedly, “bakit ko ba ginagawa ito”? Then you question your ability, “Ginawa ko na ang lahat, pero bakit ganun pa rin?” Yun lang, tayo ang nakakasagot.
R is for Reinvention- Kailangang i-reinvent ang sarili everytime, para tangkilikin ng mga bata.
S is for Sahod- Ikanga, hindi man kumikita ng malaki, fulfilling naman, yumayaman ang puso mo.
T is for Time- Siguro ang pinakaprominenteng aspeto sa mga resources na maaalay ng isang guro ay ang kanyang naigugol na oras at panahon.
U is for Ugat- Isa sa mga tinuturong ugat ng baluktot na pag-asenso ay ang obsolete system of education, at bilang guro, nakasampa sa balikat ang pagdala ng napapanahong pagtuturo.
V is for Vendetta- Hindi yung palabas tohl, but teaching itself is a war, a vendetta, isang pakikipagbunuan laban sa kamangmangan.
W is for Worst- Teaching, just like any job, brings the best and the worst in you. At nasa iyo yun kung paano ito mag-materialize sa classroom.
X is for X-Factor- Mayroong something kung bakit ito ginagawa,kung bakit pinilit mag-stay, ang deciding element.
Z is for Zombie- Puyat. Pagod. Stressed. Di nakakakain. Edi, zombie!
“Love is the one thing we’re capable of perceiving that transcends dimensions of time and space”, sabi nga ni Cooper sa palabas na Interstellar. Ang mga Thomasites, dinako ang kabilang mundo, bukod sa utos ng Imperyal America, nag-sign up for the love of learning.
At sa akin, sa kabila ng lahat, kahit may mga panahon na salungat ang uniberso at nanunukso ang panahon, masasabi kong ang pag-ibig na dalisay para sa mga bata at sa aking bansa ang dahilan kung bakit ako napapatuloy.